ABS-CBN, posibleng bumalik sa ere sa Hunyo ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na maaaring bumalik sa himpapawid ang ABS-CBN sa unang linggo ng Hunyo.

Ito ay sa gitna ng paggulong sa Kamara ng House Bill 6732 na magbibigay ng provisional franchise para makapag-operate ang network hanggang Oktubre.

Ayon kay Cayetano, umaasa sila na maaaprubahan na nila ang panukala sa pinal na pagbasa para maipasa na agad nila ito sa Senado.


Tiwala rin si Cayetano na magiging patas si Pangulong Rodrigo Duterte at aaprubahan ang provisional franchise.

Naniniwala siya na paiiralin ng Pangulo ang due process sa pagdedesisyon kung pipirmahan bilang batas ang provisional authority.

Inupakan din ni Cayetano ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagiging ‘taksil’ nito at si Solicitor General Jose Calida dahil sa pangingialam sa isyu ng franchise renewal.

Facebook Comments