ABS-CBN, sinagot ang paratang ng “padulas” sa mga kongresista na boboto sa kanilang aplikasyon sa prangkisa

Mariing pinasinungalingan ng ABS-CBN ang ibinunyag ni ACT-CIS Partylist Cong. Eric Yap na may emisaryo ang kanilang kompanya para mag-alok ng 200 million pesos kapalit ng pagpabor sa kanilang prangkisa.

Sa isang statement, sinabi ng ABS-CBN na naniniwala sila sa proseso at nagpakita naman sila ng buong kooperasyon sa pagsagot sa lahat ng mga isyung ipinukol sa network sa loob ng labindalawang (12) pagdinig.

Sa kasalukuyan, ay isinasagawa na ang summation ng lahat ng isyu na lumabas sa labindalawang pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability.


Ito ay bago pagbotohan kung muling bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Facebook Comments