Mga empleyado ng ABS-CBN, nagtipon-tipon sa main gate ng Batasang Pambansa

Kasabay ng isinasagawang summation of arguments ng mga pro at anti ABS-CBN congressmen sa House Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability, nagbarikada at nag-programa ang ilang rank and file employees ng network sa main gate ng Batasang Pambansa.

Mula sa Sgt. Esguerra, Diliman Quezon City kung nasaan ang istasyon ng Channel 2, nag-caravan ang tinatayang dalawang daang (200) mga empleyado patungong Batasang Pambansa.

May mga nakasabit na lobo at ribbon ang mga sasakyan na pawang mga kulay asul, berde at pula na sumisimbolo sa kulay ng kanilang kompanya.


Dahil hindi pa tapos ang summation ng komite, posibleng maantala hanggang bukas ang inaasahang botohan kung muling bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Facebook Comments