ABSENT | Pagdalo ni Trump sa pagbubukas ng embahada sa Jerusalem – kinansela

Amerika – Kinumpirma ng White House na hindi makakadalo si US President Donald Trump sa pagbubukas ng US embassy sa Jerusalem sa May 14.

Bagamat walang ibinigay na dahilan ng white house, tanging ang dadalo na lamang ay sina US treasury secretary. Steven mnuchin, anak na si Ivanka Trump at ang son in law na si Jared Kushner.

Magugunitang umani ng batikos sa Israel ang paglilipat ng Us Embassy na mula sa Tel Aviv at ililipat ito sa Jerusalem.


Facebook Comments