Eksakto alas-8 ng umaga ay nagbukas na ang absentee voting para sa mga pulis sa Camp Crame.
Isinasagawa ang absentee voting sa Multi-Purpose Center para sa mga pulis sa Camp Crame na hindi makakaboto sa Mayo a-13 dahil sa kanilang duty para sa eleksyon.
Sa ngayon nasa lima pa lamang ang nakakaboto.
Malinis, malawak at may sistema ang nagpapatuloy na botohan.
Kabuoang 162 personnel sa Camp Crame na naka-assign sa Directorial Staff offices, National Support Units, ang Quezon City Police District (QCPD) ang inaasahang boboto sa Crame.
Habang ang mahigit 4,000 iba pang PNP personnel ay boboto sa ibang presinto sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang pag-boto sa eleksyon ay hindi lamang karapatan, kundi tungkulin ng bawat mamamayan, partikular ng mga pulis na tagapagtaguyod ng tahimik at payapang eleksyon.