Handa na ang mga lugar na kung saan isasagawa ang absentee voting sa Philippine National Police (PNP) para sa Eleksyon 2022.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen Roderick Augustus Alba, gaganapin ang absentee voting sa PNP sa April 27, 28 at 29.
Ang Multi-Purpose Center sa Camp Crame ang venue para sa Crame-based PNP personnel.
Habang ang mga Police Provincial Office naman ang in-charge sa venue ng Local Absentee Voting para sa mga pulis mga lalawigan.
Batay sa rekord ng PNP mayroong 3,248 na PNP Crame based personnel ang nag avail ng absentee voting.
Habang 26,813 PNP personnel ang nag avail para sa absentee voting sa mga lalawigan.
Facebook Comments