blockquote, div.yahoo_quoted { margin-left: 0 !important; border-left:1px #715FFA solid !important; padding-left:1ex !important; background-color:white !important; } Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP joint task force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana na may panibagong pinugutan bihag ang Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu. Kinilala ni Sobejana ang pinugutang biktima na si Noel Besconde tinatayang nasa 40 hanggang 45 na taong gulang, crew ng FB remona na dinukot ng Abu Sayyaf nitong nakalipas na Disyembre sa Celebes sea ang triboundary ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Sinabi pa ni Sobejana na dakong 2:30 ng hapon noong April 13 ng pugutan si Besconde ng mga bandido , noong una ay hindi aniya sila naniwala pero dahil sa video na kanilang nakita at ilang mga impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaan nilang source ay nakumpirma nila ang insidente. Sa ulat na natanggap ni Sobejana may sakit na ang biktimang si Besconde dahil dito nahihirapan na syang akayin ng mga bandido papalayo sa naghahabol na tropa ng pamahalaan at para hindi na mag cause ng delay o maabutan ng militar kung kayat pinugutan nalang ang biktima. Posible rin aniyang nakumpirma ng mga bandido na walang kakayanang magbigay ng ransom ang pamilya ng biktima na aabot sa halagang 3 milyong piso kung kayat tuluyan na itong pinugutan. Sa ngayon patuloy na hinahanap ng militar ang labi ng pinugutang si Besconde upang mabigyan ng maayos na libing ng kanyang pamilya. Sent from Yahoo Mail for iPhone
Abu Sayyaf Group (ASG) muling namugot ng isa sa kanilang mga bihag sa Sulu
Facebook Comments