Pangulong Rodrigo Duterte, nagbigay ng Easter message mula sa Qatar

Manila, Philippines – Nagbigay ng Easter message si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Qatar.

Ayon sa sulat ng Pangulo, ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ang magsisibing paalala na kailangan nang maisalba ng ating bansa sa droga, kriminalidad at korapsyon.

Aniya, sana ay maging gabay ang Linggo ng pagkabuhay sa muling pagbangon ng bansa.


Samantala, nanawagan naman ng pagkakaisa, pagmamahalan at hustisya ang ilang senador sa kanilang Easter message.

Ayon kay Senator Nancy Binay, panahon ito ng positibong pagbabago, hindi lamang para sa sarili kundi maging sa kapwa tao at para sa bansa.

Para naman kay Senator Richard Gordon, magandang mensahe ang dala ng panahong ito para sa pagkakabuklod ng bansa, hindi lamang sa aspetong politikal, kundi sa social at economic equity.

Sa panig naman ni Senator Grace Poe, malinaw umano ang mensahe ng araw na ito para sa pagtatagumpay ng buhay at pagmamahal laban sa kamatayan.
Nation”

Facebook Comments