Abu Sayyaf Group may pito pang bihag ayon sa AFP

May pitong bihag pa rin ang bandidong Abu Sayyaf Group sa Mindanao.

 

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig gen Edgard Arevalo.

 

Aniya ang mga bihag ay isang Vietnamese, 3 Indonesian at 3 Pinoy.


 

Sinabi ni Arevalo nagpapatuloy ang kanilang rescue operation para mailigtas ng buhay ang mga kidnap victims.

 

May natatangap raw silang ulat na nanghihingi ng ransom ang mga Abu sayyaf sa pamilya ng Vietnamese at tatlong Indonesian nationals.

 

Kaugnay nito kinumpirma ni Arevalo na tuloy tuloy na nababawasan ang pwersa ng ASG dahil sa walang patid na military operation.

 

Sa katunayan simula January 1 hanggang November 20, 2019 aabot na sa 161 ASG ang kanilang na neutralize.

 

Sa bilang na ito, 79 ang sumuko, 59 patay at 23 ay naaresto.

 

Nakumpiska sa mga ito, ang 135 na high powered firearms at 18 Low-powered firearms.

 

Nakuha rin sa mga mga na neutralize na abu sayyaf ang 69 na Improvised Explosive Device at 13 kampo ng ASG ang nakubkob.

Facebook Comments