Magsasaka, Arestado sa Kasong Grave Threats sa Quezon, Isabela

99

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Samonte, Quezon, Isabela.


Kinilala ang akusado na si Larry Navarro, 30 anyos, walang asawa at residente sa Brgy. Barucboc sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 Ifm Cauayan mula sa PNP Quezon, dinakip si Navarro matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang-galang hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br. 23 Roxas Isabela na may petsang July 1, 2019 para sa kasong Grave Threats sa ilalim ng criminal case number 23-3739-19.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P72,000.00).

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments