Abu Sayyaf, mahina na ayon sa AFP

172

Manila, Philippines – Naniniwala si Armed forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na nagpapasikat nalang ang teroristang grupong Abu Sayyaf kaya pinugutan ng mga ito ang dalawang Vietnamese National na kanilang bihag.

Matatandaan na kaninang madaling araw ay natagpuan ang dalawang bangkay ng mga biktima sa Sumisip, Basilan.

Ayon kay General Padilla, indikasyon ito na hindi na sila malakas at nagpapapansin na lang ang mga ito.


Paliwanag ni Padilla, wala ng pakinabang ang ASG sa kanilang mga bihag dahil wala na silang makuhang ransom kaya pinatay nalang ang mga ito.

Patunay din aniya ito na nagiging epektibo ang operasyon ng militar laban sa ASG dahil nakikita nila na madalang na ang ginagawang pandurukot ng mga ito.

Ibinida pa ni Padilla na dahil sa pinaigting na operasyon ng Militar ay marami nang miyembro ng ASG ang sumusuko sa gobyerno.



Facebook Comments