Maglive-in partner sa Vira Roxas, Isabela – patay nang masabugan ng granada

Vira Roxas, Isabela – Patay ang maglive-in partner na sina Bernard Te-El, bente kuwatro anyos, laborer; at Lorna- Lita Guiao, disisiyete anyos, tubong Angadanan, Isabela at pawang naninirahan sa purok sais Vira Roxas, Isabela matapos sumabog ang isang granada sa kanilang kwarto.

Ayon sa ulat, mahimbing na natutulog ang maglive-in nang makarinig ang kanilang mga kapitbahay ng malakas na pagsabog pasado alas dose kaninang madaling araw.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nakabukas ang bintana sa kwarto ng mga biktima at dito inihagis ang granada ng hindi pa nakikilalang suspek.


Bumagsak ang granada sa kanilang kulambo at sumabog.

Inaalam pa rin ang motibo sa krimen.

Facebook Comments