Iniharap ng NBI sa publiko ang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa ibat ibang terroristic activities.
Si Salahim Dawani alyas Abu Moadz ay may kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Ayon sa NBI, si Abu Moadz ay kasama sa grupo ng ASG na dumukot sa ilang manggagawa ng Golden Harvest Plabtation sa Tairan, Lantawan, Basilan noong 2001.
Ayon sa mga Testigo, kasama rin ang suspek sa nanunog ng kanilang chapel sa plantasyon sa Lantawan, Basilan at bahay ng kanilang manager doon.
Si Abu Moadz din ay kabilang sa namugot sa mga biktimang sina Primitivo falcasantos at Crisanto Suela.
Itinuturo rin ang suspek na kasama sa mga tumulong sa pagbabantay sa Dos Palmas Resort sa Palawan nang dukutin ang mag asawang American National na sina Martin at Gracia Burnham.
Bukod dito, nagsilbi rin itong augmentation force sa Abu Sayyaf Group nang isagawa ang pagdukot sa Sipadan Pulao, Sabah, Malaysia noong Abril a-23, 2000.