Naaresto Sa Isang sikat na mall sa Alabang matapos pumasok bilang gwardya.
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Pulisya at Philippine Navy ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na nahaharap sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Ayon kay PNP Spokesman PCol. Bernard Banac ang hinihinalang Bandido ay kinilalang si Aldemar Murih Saiyari na naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court branch 162.
Aniya si Saiyari ay sangkot sa pangingidnap ng 21 turista sa dive resort island sa Sipadan Malaysia noong taong 2000.
Dinala nila ang kanilang mga bihag mula Malaysia papuntang Sulu.
Nagtatrabaho si Saiyari bilang Security Guard sa isang sikat na Mall sa Alabang, Muntinlupa City gamit ang pekeng lisensya ng isang private Security Agency na una nang ipinasara ng PNP Civil Security Group dahil sa kabiguang magrenew ng lisensya para makapag-operate
Kasalukuyang nasa kostudiya ng Directorate for Investigation and Detective Management ng Southern Police District sa ilalim ng NCRPO o National Capital Region Police Office sa Fort Bonifacio, Taguig City ang naarestong suspek.