Sulu – Patay ang isang Abu Sayyaf sub-leader matapos maka-engkwentro ng mga tauhan ng fleet-marine forces ng Joint Task Force Sulu, kagabi.
Kinilala itong si Badong Muktadil, notoryus na miyembro ng ASG-kidnap for ransom group na nasa likod ng insidente ng seajacking sa isang Taiwanese vessel sa Tawi-Tawi at pagdukot sa isang Taiwanese national noong 2013.
Ayon kay JTF Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana – sakay ng bangka ang asg sub-leader nang mamataan siya ng mga sundalo sa bahaging baybayin ng Barangay Silangkan, Parang, Sulu.
Ang operasyon ay kasunod na rin ng sumbong ng mga residente sa lugar.
Dinala na sa CGTB station hospital sa Barangay Busbus, Jolo ang bangkay ni Muktadil.
Facebook Comments