ABUSE CASE | Mga dokumento ukol sa kaso ni McCarrick, ipinag-utos ni Pope Francis

Ipinag-utos ni Pope Francis ang malalimang pag-aaral at pagbusisi sa lahat ng mga dokumento sa Vatican offices kagunay kay dating U.S. Cardinal Theodore McCarrick.

Matatandaang sinabi ni dating Vatican Ambassador to the United States Archbishop Carlo Maria Vigano na may alam umano ang Santo Papa sa sexual misconduct na kinasangkutan ni McCarrick subalit wala man lang ginawang aksyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Vatican na tinututukan ng Santo Papa ang kaso ni McCarrick sa loob ng mahigit isang taon.


Iginiit naman ni McCarrick na wala raw itong naaalalang umabuso ito ng mga menor de edad.

Facebook Comments