“Academic freeze”, posibleng magresulta ng mataas na drop out rate

Tutol si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa isinusulong na “academic freeze” ng ilang grupo dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Giit ng senador, mas malaking problema kapag itinigil ang pag-aaral ng mga kabataan.

Aniya, maaari itong magresulta ng “drop out” kung saan posibleng hindi na sila bumalik sa pag-aaral at mapilitang magtrabaho na lang.


Aminado naman si Gatchalian na hindi madali ang sitwasyon ngayon pero dapat aniyang pagkatiwalaan ang determinasyon ng mga guro na gawing epektibo ang paraan ng pagtuturo sa darating na pasukan.

Samantala, sa pagdinig ng Senado bukas, hihingan nila ng update ang Department of Education (DepEd) tungkol sa ginagawa nitong paghahanda para sa pasukan sa October 5.

Ayon kay Gatchalian, sisiguraduhin din nilang suportado ng pamahalaan ang mga guro, punongguro at maging ang mga non-teaching staff.

Isa aniya sa itinutulak ng Senado ay ang libreng PCR test at pagpapagamot sa mga teacher.

Facebook Comments