DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Ipatutupad sa lungsod ng Dagupan ang Academic Break para sa mga mag aaral nito mula elementary hanggang Senior high school, mapapribado man o pampubliko simula January 18 hanggang 25, 2022, ibig sabihin lamang nito ay pansamantalang suspendido ang klase sa lungsod.
Batay sa inilabas na Executive Order No. 3 Series of 2022 na inilabas at pirmado ng alkalde na kung saan nakasaad dito na ang on-site at physical classes mula Elementary hanggang Senior High School upang bigyang daan ang week-long academic Health Break para sa mga estudyante, teaching at non-teaching staff ng bawat paaralan.
Ang pagpapatupad din umano ng academic break ay upang bigyan din sila ng sapat na oras sa pagtukoy ng lubhang kailangan na pag-recalibrate ng mga minimum health protocols sa mga institusyong pang-akademiko sa Lungsod upang maprotektahan ang kanilang mga tauhan at kliyente mula sa pagkalat ng COVID-19.
Ipinasasakamay naman ng City Government sa mga school authorities ng colleges at universities ang pagpapatupad ng academic Health Break para sa mga tertiary level students. | ifmnews