ACCESS | FDA nag-iisyu ng permit para sa medical marijuana simula pa noong 2015

Manila, Philippines – Maaaring maglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng Compassionate Special Permit (CSP) para sa mga pasyenteng may life threatening conditions tulad ng AIDS at cancer upang magkaroon ng access sa mga unregistered drugs tulad ng marijuana.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade-Puno sa ilalim ng Department of Health Administrative Order No. 4 na inisyu noong November 3, 1992 nakasaad ang ilang panuntunan at rekesitos para makakuha ng permit sa paggamit ng unregistered drug.

Pero magkagayunman, mahigpit ang ipinatutupad na screening ng FDA para makakuha ng permiso.


Sa datos ng ahensya mayroong 2,160 pasyente ang nabigyan ng permits mula 2015 hanggang November 2018.

Sinabi pa ni Puno na kinakailangang may prescription mula sa doktor at kailangan ding ipaalam ng attending physician sa FDA at PDEA ang health condition ng kanyang pasyente.

Kailangan ding magpasa ng pasyente ng letter request at medical abstract.

Kapag napagbigyan ang pasyenteng may AIDS at cancer ay bibigyan ng CSP para magkaroon ito ng access sa cannabis oil.

Giit ng FDA tanging medical marijuana lamang ang kanilang pinapayagan at hindi ang cannabis smoking.

Facebook Comments