Isang bahay nadaganan ng nabuwal na puno ng balite

General Santos City—Wasak ang isang bahay matapos nabuwal ang isang puno ng Balite sa Purok Sugod, Barangay Apopong Gensan noong nakaraang gabi.

Ayon kay Jun Lorica, may-ari ng bahay na alas 7:00 ng gabi habang malakas ang buhos ng ulan at malakas ang ihip ng hangin, biglang nabuwal ang puno ng balite at nadaganan ang kanilang bahay na naging dahilan ng pagkawasak ng isang bahagi nito.

Dagdag pa ni Loreca nang mangyari ang insidente nasaloob ng kanilang bahay ang kanyang pamilya pero maswerte naman na walang natamaan sa anak mga anak at asawa ng dumagan ang malaking puno ng kahoy sa kanilang balay.


Agad namang nag tulong tulong ang mga residenti paman tanggalin ang nabuwal na puno para makaalis sa loob ng balay ang pamilya ni Loreca na na trap sa loob.

Sa ngayon binigyan na ng financial assistance ng LGU Gensan ang nasabing pamilya para makapagtayo muli ng bahay matapos itong nagiba.

Facebook Comments