ACCESS ROAD PROJECT SA CABATUAN, MALAPIT NG MATAPOS

CAUAYA CITY – Kasalukuyang nasa 84.2% na ang natapos ng DPWH – Isabela, 3rd District Engineering Office sa access road project para sa Magat River Irrigation System, A2a12 Service Road na matatagpuan sa Barangay Luzon, Cabatuan, Isabela.

Ipinatupad ang nasabing proyekto sa ilalim ng programang KATUBIGAN (KAlsada TUngo sa PatuBIGAn) na may layuning mapabuti ang transportasyon lalo na sa mga nag-aangkat ng produktong pang-agrikultura.

Watch more balita here: PINOY BOXER EUMIR MARCIAL, TARGET ANG GINTONG MEDLAYA SA PARIS OLYMPICS


Bukod dito, mapapadali na rin ang pag-access ng mga mamamayan ng tubig sa buong komunidad.

Nasa P26 million ang inilaan para dito sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Facebook Comments