Access sa COVID-19 vaccine para sa lahat ng Pilipino, posible sa 2022 pa – Galvez

Kailangang maghintay ang mayorya ng mga Pilipino hanggang 2022 para mabakunahan laban sa COVID-19.

Matatandaang ipaprayoridad ng pamahalaan sa immunization program ang health-care workers, mga mahihirap, at security forces.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., magkakaroon lamang ng equitable access sa COVID-19 vaccine sa 2022 kahit mayroong magandang development sa ilang vaccine candidates na malapit nang bigyan ng regulatory approval.


Magpapatupad ng geographical strategy para sa pamamahagi ng bakuna lalo na sa mga lugar na matinding pinadapa ng pandemya gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao.

Ang Pilipinas ay patuloy ang negosasyon sa ilang vaccine makers tulad ng Sinovac ng China, Johnson & Johnson at Pfizer ng Estados Unidos.

Nasa ₱73.2 billion ang kailangan ng gobyerno para makabili ng bakuna para sa 60 milyong Pilipino.

Facebook Comments