ACCOUNTING OF PERSONNEL | NCRPO, nagsagawa ng pagbibilang ng mga pulis Maynila sa Luneta Grandstand

Manila, Philippines – Nagsagawa ng Accounting of Personnel sa Manila Police
District si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa Quirino Grandstand sa
Maynila.

Sa isinagawang pagbibilang nasa 4,252 lamang ang present mula sa kabuuang
5020 na mga tauhan ng MPD.

Bukod sa Accounting, nagkaroon din ng surprise random drug testing sa mga
piling unit ng Manila Police tulad ng mga naka-assign sa Anti-Drugs
Operations.


Sa kanyang mensahe, sa kanyang mga tauhan sinabi ni Albayalde na
isinasagawa ng Accounting dahil mayroong mga pulis na pumapasok lamang
tuwing a-kinse at katapusan habang mayroon naman na palaging nasa abroad.

Isa aniya si PO2 Alqueros na dating nakatalaga sa MPD na kasalukuyang
sumasailalim sa summary dismissal proceedings ang napag-alamang 11 trips sa
ibang bansa ang nagawa na walang paalam sa Pambansang Pulisya.

Ipinaalala din nito na walang puwang sa kanilang hanay ang mga
puli-scalawags.

Wala aniya siyang pakialam kung mangalahati ang bilang ng mga pulis sa
NCRPO basta ang importante ay mga matitino at nagtatrabaho ang mga ito.

Aminado naman si Albayalde na hindi niya kayang baguhin ang ugali ng lahat
ng mga pulis sa Metro Manila pero habang nasa serbisyo ang mga ito ay dapat
sumunod sa pulisiya na ipinapatupad ng PNP.

Inihalimbawa pa nito si C/Supt. Coronel na kanyang mistah sa PMA at isang
abogado pero sumusunod sa kanya paano pa anya kaya mas lalo’t higit anyang
sumunod ang mga nasasakupan ni Coronel sa MPD

Ipinagmalaki pa ni Albayalde na, bumaba na ang crime rate sa Metro Manila
at tumaas na ang kanilang Trust Rating pero dahil sa kalokohan na ginagawa
ng ilang pulis ay nasisira ang imahe ng buong PNP.

Mayroong kabuuang 29, 222 ang miyembro ng NCRPO kung saan mula July 2016
nasa 270 na ang na dismiss, mahigit 800 ang nasuspinde at nasa 394 na ang
ipinatapon sa Mindanao.

Ipinaalala naman ni Albayalde sa mga tauhan ng MPD na hindi sila
nagtatrabaho para lamang sa Manila’ Finest kundi para sa buong NCRPO dahil
naniniwala anya siya sa Team Effort para makamit ang kanilang minimithing
tagumpay.

Facebook Comments