Accreditation ng 76 na political parties at party-lists, ibinasura ng COMELEC

255

Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang akreditasyon ng 76 na political parties at party-list para sa 2022 election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, denied with finality ang mga nakasama sa listahan.

Kabilang sa mga ibinasurang akreditasyon ang LADLAD, Gamers and Gadgets Partylist, Philippine Champ Movement, OFW Coalition party at iba pa.


Kasabay nito, kinumpirma rin ni Jimenez na wala pang desisyon ang COMELEC hinggil sa sigalot sa PDP-Laban.

Matatandaang mayroong dalawang faction ang PDP-Laban kung saan pinamumunuan nina Energy Sec. Alfonso Cusi at Senator Koko Pimentel.

Facebook Comments