Pagbibigay ng booster shot sa seniors at mga immunocompromised sa Calabarzon, umarangakda na

44

Nagsimula na ang pagbibigay ng booster shot sa fully vaccinated senior citizens at immunocompromised individuals sa Calabarzon.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., target nilang maitaas ang antas ng vaccination rate sa Region IV-A partikular sa Batangas.

Aniya, hindi magiging ligtas ang mga taga-National Capital Region sa COVID-19 kung ang mga residente ng Calabarzon at Mimaropa ay hindi bakunado.


Hinikayat naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na maging bukas sa lahat ng brand ng COVID vaccine.

Facebook Comments