Accreditation sa COVID-19 vaccine, hindi dapat i-short cut

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan na huwag idaan sa short cut ang accreditation sa bibilhing bakuna laban sa COVID-19.

Mensahe ni Villanueva sa Food and Drug Administration (FDA), tiyakin na papasa sa mga ipinapatupad nitong standards ang anumang bakuna o gamot laban sa COVID 19.

Binigyang diin ni Villanueva na mas malaki ang magiging problema kapag may natuklasang side effect ang bakuna o gamot kontra COVID-19.


Ang pahayag ni Villanueva ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa susunod na buwan, Setyembre ay mayroon ng COVID-19 vaccine dahil may nagawa na ang Russia.

Pero ayon sa Department of Health, malamang na hindi pa maging available sa lokal na merkado ang bakuna mula Russia hanggang sa Disyembre dahil nasa third phase pa lang ito ng clinical trial.

Facebook Comments