Claudine Baretto at Piolo Pascual, muling magtatambal sa pelikula

70

Tuloy na tuloy na ang reunion movie ng tambalang Claudine Barretto at Piolo Pascual.

Ayon sa aktres, noong nakaraang taon ay nakahanda na sana silang lumipad papuntang ibang bansa para simulan ang shooting ng kanilang pelikula.


Nilinaw din ni Claudine na hindi ito sequel o part 2 ng kanilang blockbuster romantic comedy movie na Milan noong taong 2004.

Nabatid na ang award-winning director na si Cathy Garcia-Molina ang magdi-direct ng kanilang movie.

Sa ngayon, hiling lamang ni Claudine na tuluyan nang matapos ang pandemya para matuloy na ang pelikulang inaabangan ng marami.

Facebook Comments