Hepe ng Drug Enforcement Unit ng Zamboanga City Police na nagpositibo sa drug test, pinasisibak na sa serbisyo

370

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na sibakin sa serbisyo ang Hepe ng Zamboanga City Drug Enforcement Unit na si Police Major Jiverston Pelovello.

Ito’y matapos magpositibo ito sa drug test.


Sinabi ni Sinas, walang puwang sa PNP ang mga abusadong pulis kaya agad niyang pinalagay sa restrictive custody si Pelovello na ngayon ay nasa Regional Personnel Holding and Accounting Section of Police Regional Office 9 na.

Gumugulong na ngayon ang pre-charge investigation sa pulis para sa summary dismissal nito.

Sinabi ni Sinas, 60 na mga tauhan ng ng Zamboanga City Police Office ang sinalang sa drug test kasama na ang 12 CDEU personnel pero si Pelovello lang ang nagpositibo sa iligal na droga nitong December 18, 2020.

Nitong January 6, 2021, lumabas naman ang confirmatory result ng drug test at ito ay positibo.




Facebook Comments