Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang tuluyang pagsibak sa tungkulin kay Manila International Airport Authority (MIAA) acting General Manager Cesar Chiong at acting Assistant General Manager Irene Montalbo.
Nagbaba ng kautusan ang Ombudsman, matapos mapatunayang guilty ang dalawang opisyal sa mga isinampang kaso na grave misconduct, abuse of authority o oppression, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Nauna nang pinatawan ng suspension order ng Ombudsman ang dalawa noong Abril 28, 2023.
Nag-ugat ito sa umano’y kwestyonableng reassignment ni Chiong sa 285 na empleyado ng MIAA isang buwan mula nang umupo ito sa pwesto.
Inabuso rin ni Chiong ang kanyang tungkulin nang italaga si Montalbo bilang assistant general manager for finance and administration sa kabila ng unsatisfactory rating nito noong 2020.