Mga residenteng nananatili sa mga evacuation centers dahil sa nagdaang kalamidad, makakaboto pa rin sa BSKE – COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC), na makakaboto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang mga residenteng nananatili pa rin sa mga evacuation center dahil sa mga kalamidad.

Ito ay kasunod ng mga natatanggap na ulat ng COMELEC sa mga local offices nito na may mga botante pa ring inililikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sakaling napalayo sila sa kanilang mga lugar, ay ilalapit ng COMELEC ang mga polling centers sa mga evacuation centers.


Pagtitiyak pa ng COMELEC, hindi dapat problemahin ng mga residente kung wala silang maipakitang identification card (ID) dahil may records naman ang COMELEC sa mga ito.

Facebook Comments