Acting SC PIO Chief, pinangalanan na

Manila, Philippines – Pinangalanan na si Atty. Ma. Victoria Gleoresty Guerra, Deputy Chief ng Supreme Court Public Information Office, bilang acting PIO chief ng Korte Suprema.

Pansamantalang papalitan ni Guerra si outgoing SC PIO Chief Atty. Theodore Te.

Si Te ay bababa sa pwesto sa darating na Biyernes, September 7.


Si Te ay co-terminus ni dating CJ Maria Lourdes Sereno.

Samantala, pinangunahan ni Chief Justice Teresita De Castro ang flag raising ceremony sa Korte Suprema kaninang umaga kung saan nakasuot ng kulay asul ang mga empleyado ng High Tribunal bilang pag-welcome sa kanya.

Sa kanyang talumpati,humingi si De Castro ng respeto sa iba pang co-equal branches ng pamahalaan.

Pinasalamatan din ni De Castro ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema sa ipinakita nilang pagkakaisa noong mga panahon na nahaharap sa pagsubok ang hudikatura.

Facebook Comments