Action-figures na gawa ng isang construction worker gamit ang tsinelas, trending!

Manila, Philippines – Viral ngayon ang mga hand-made action figures na gawa ng isang construction worker.

Si Elmer Padilla na nakakagawa ng mga action figures gamit lamang ang mga lumang tsinelas, kutsilyo at gunting kung saan kuhanag-kuha nito ang mga itsura tulad ng transformers, predator, at mga superhero sa Marvel.

Mismong ang kabigan nitong si Adrian Bernabe ang siyang nag-shared ng mga litrato ni Elmer sa facebook group ng Guhit Pinas at nakakuha ito ng mahigit 3,000 likes at 86,000 upvotes.


Dahil dito, marami ngayon ang interesado sa mga gawa ni Elmer at inaalam na din kung saan ito sa Maynila pumupwesto para makabili sila ng mga action-figures toys habang ang iba naman ay gusto siyang tulungan para mapalago ang kaniyang negosyo.

Facebook Comments