Mabile banking, ilulunsad ng Globe Telecom

Magandang balita sa publiko lalo na sa mga gumagamit ng mobile banking.

Magtutulungan ang Globe Telecom at kompanyang Mynt (financial technology) para mas lalo pang mapadali ang paggamit ng mga serbisyo tulad ng mobile banking, remittance, insurance at loan.

Gamit lang ang inyong cellphone, maaari nang maka-access ang halos 70% na mga tao at magkaroon ng account sa bangko, maging ang mga maliliit na negosyante tulad ng isang fruit vendor.


Facebook Comments