Activation ng mga local shelter teams sa mga lugar na matinding naapektuhan ng malakas na lindol, iniutos ng DHSUD

Iniutos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Officer-In-charge Melissa Aradanas, ang pag-activate sa mga local shelter cluster teams sa mga lugar sa Luzon na binayo ng magnitude 7 na lindol.

Ang pagbuhay sa mga shelter cluster sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Regions ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pabilisin ang pagkakaloob ng kaukulang tulong sa mga apektadong pamilya sa nangyaring malakas na lindol.

Sa isang memorandum, inatasan ni Aradanas ang mga regional shelter clusters na maglatag ng emergency implementation plan upang makapagpatupad ng kaagad na interbensyon at recovery efforts sa mga apektadong pamilya.
May kabuuang 4,969 pamilya o 20,091 katao sa Region 1 at CAR ang apektado.


Mula sa naturang bilang, 2, 312 pamilya o 8,314 indibidwal ang sumisilong sa 31 evacuation centers.

Habang 413 pamilya naman ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak sa Ilocos Sur, La Union, Abra at Mountain Province.

Nasa 358 na kabahayan ang nasira kung at totally damaged, partikular sa Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Abra at Mountain Province.

Facebook Comments