PNP, Iniimbestigahan na ang nangyaring pananambang sa ama ni Dr. Yumol

248

Patuloy pang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pamamaslang sa tatay ng Dr. Chao Tiao Yumol.

Ayon kay PNP PIO Brig. General Roderick Augustus Alba nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Lamitan PNP hinggil sa naturang insidente.

Sinabi pa ni Alba na masyado pang maaga para sabihing may kaugnayan ang pagpatay sa ama ni Yumol sa ginawa nitong pagpatay sa dating alkalde ng Lamitan City Basilan na si Mayor Rose Furigay kung saan nadamay at nasawi din ang isa nitong aide at isang security guard sa Ateneo de Manila University noong Linggo.


Dead on the spot kanina, ang ama ni Dr. Yumol na si Rolando Yumol, matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Rizal, Lamitan City, Basilan dakong 6:30 ngayong umaga.

Facebook Comments