Active Cases ng COVID-19 sa Bayan ng Solano, Bumaba sa 33

Cauayan City, Isabela- Bumaba sa tatlumpu’t tatlo (33) ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Solano sa Nueva Vizcaya.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of October 3, 2020, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa naturang araw habang nakapagtala naman ang Solano ng mataas na bilang ng nakarekober sa sakit.

Nasa dalawampu’t dalawa (22) na COVID-19 Positive ang naitalang gumaling na sa sakit at wala din naitalang panibagong namatay.


COVID-19 free na rin ang dalawang barangay ng Solano na kinabibilangan ng Roxas at San Juan na dating nakapagtala ng maraming positibo.

Sa ngayon ay nasa 267 ang total confirmed cases ng Solano, 33 dito ang aktibo, 226 ang mga nakarekober at walo (8) ang nasawi.

Facebook Comments