Mahigit P170-K na halaga ng hinihanalang Marijuana, nasabat ng mga awtoridad sa Candelaria, Quezon

39

Arestado ang dalawang estudyanteng lalaki at isa pang lalaking nagtutulak umano ng Marijuana sa bayan ng Candleria, lalawigan ng Quezon matapos ikasa ang dalawang magkasunod na anti-illegal drug operation ng Quezon Police Provincial Office.

Nakilala ang dalawang college students na suspek na sina Vincent Caringal Cantos at JohnLoyd Cueto De Guzman, parehong 21-anyos. Kinilala rin ang isa pang suspek na si John Carlo Prudente Macatangay, 25-anyos.

Nakuha sa kanila ang kabuuang 1.493 gramo na umano’y marijuana at may katumbas na halagang P179,160 at ang P8,000 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang unang nasabing operasyon pasado alas-10:30 ng gabi at sinundan ito ng pasado alas-3:00 ng madaling araw.

Nakakulong na ang mga suspek sa Candelaria Municipal Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments