Active Cases ng COVID-19 sa Cauayan City, Halos Triple ang Itinaas

Cauayan City, Isabela- Halos nag-triple ang itinaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan kumpara ito sa mga naitalang kaso sa mga nakalipas na araw.

Batay sa datos ng Cauayan City COVID-19 Task Force, umabot na sa 77 ang active cases ng COVID-19 sa Lungsod matapos maitala ang tatlong (3) panibagong kaso.

Malaki ang itinaas ng bilang ng aktibong kaso sa Lungsod dahil nasa 25 lamang ito noong January 6, 2022 na 25.

Mula sa naitalang bilang ng aktibong kaso sa Cauayan City, nangunguna ang barangay District 1 sa may pinakamaraming active cases na may labing dalawa (12), sampu (10) sa Tagaran, siyam (9) sa San Fermin, tig-pito (7) sa barangay District 3 at Minante Uno.

Tig- anim (6) na active cases naman sa barangay Cabaruan at Minante dos at tatlo (3) sa brgy. San Luis.

Ang mga barangay Linglingay, Nagrumbuan, Pinoma, Sillawit at Union ay nagtala naman ng tig-dalawang (2) aktibong kaso.

Habang tig-iisang kaso naman sa brgy. Alicaocao, Cassa Fuera, District 2, Marabulig, Uno, Rizal, San Francisco at Villa Luna.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan sa mga Cauayeño na sumunod sa health and safety protocols.

Facebook Comments