Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Patuloy na Nababawasan

24

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office na inilabas ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 03, 2021, nasa 361 na lamang ang bilang ng may sakit na COVID-19 sa probinsya.

Nakapagtala rin ang probinsya ng 11 na bagong tinamaan ng COVID-19, 38 na panibagong gumaling at isang nasawi.


Tumaas naman sa 58,168 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit habang sumipa naman sa 2,047 ang total COVID-19 related deaths.

Sa kasalukuyan, umabot naman sa 60, 576 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments