Active cases ng COVID-19 sa PNP, nananatiling mataas

Umabot na sa 2,685 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, mataas ang bilang na ito kung ikukumpara sa naitalang 2,655 kahapon.

Nadagdagan din ng 138 new cases kaya’t umabot na sa 37,197 ang lahat ng tinamaan ng Coronavirus sa hanay ng PNP.


Habang tumaas sa 34,403 ang lahat ng gumaling sa sakit dahil sa naitalang 108 new recoveries.

Samantala, umabot na sa 109 ang namatay na tauhan ng PNP sa COVID-19 na nakatalaga sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments