Pagbubukas ng SY 2021-2022, naging matagumpay – DepEd

98

Naging matagumpay ang pagbubukas ng School Year 2021-2022 sa kabila ng mas mabibigat na hamon ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi naging madali ang pagbubukas ng klase sa ilalim ng ikalawang taong distance learning.


Aniya, nagsisilbi nilang inspirasyon ngayon ang mga hamon at mga batikos na ipinupukol sa kagawaran.

Kasabay nito, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DepEd dahil sa kabila ng mga hamon na kinahaharap ng kagawaran ay hindi ito tumigil para sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon.

Facebook Comments