Active cases ng COVID-19 sa PNP, patuloy ang pagbaba

Nagpapatuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na ngayo’y ay 337 na.

Batay ito sa ulat ng PNP Health Service, matapos na madagdagan ng 35 ang bilang ng mga gumaling sa sakit na umabot na sa 8,371.

Pero kahapon, may 17 bagong kaso ang nadagdag sa bilang ng mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19 kaya’t umabot na ang kabuuang 8,735 ang COVID cases sa PNP.


Walo ang naitala sa National Operations Support Unit, tig-dalawang naman ang naitala mula sa Central Luzon, Western Visayas at Cordillera.

Tig-isa naman ang bagong kaso ng COVID ang naitala sa NCRPO, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN Regional PNP.

Good news naman dahil nananatili sa 27 ang bilang ng PNP personnel nasawi dahil sa COVID.

Ayon kay Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander at Deputy Chief PNP for Administration P/LtGen. Guillermo Eleazar, ang pagbaba ng active cases ay resulta ng pinalakas na testing at treatment sa hanay ng pambansang pulisya.

Facebook Comments