Aabot sa 1,693 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng banta ng Omicron at Delta variant.
Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa naitala kahapon na 1,862.
Sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala sila ng 132 new cases at 301 new recoveries ng naturang sakit.
Sa kabuuan, umabot na sa 47,994 ang mga tinamaan ng virus habang 46,175 naman ang mga gumaling.
Wala namang naitalang nasawi sa COVID-19 ngayong araw ang PNP kaya nananatili sa 126 ang mga namatay sa sakit.
Facebook Comments