Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa kabuuang 309 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tabuk City batay sa pinakahuling datos ng Kalinga Provincial Health Office.
Ito ay sa kabila pa rin na umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na tatagal hanggang Pebrero 7.
Sa latest data ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), sinundan ng bayan ng Tanudan ang may mataas na bilang ng tinamaan ng virus; sunod ang Tinglayan at Pasil.
Kaugnay nito, naitala naman ng lungsod ang anim (6) na kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 habang 335 ang pawang nakarekober mula sa sakit.
Sa ngayon, umabot na sa 518 ang kabuuang aktibong kaso sa lalawigan.
Facebook Comments