Active COVID-19 cases sa Laguna, sumampa na sa 3,000

Pumalo na sa 3,000 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Sa isang panayam, sinabi ni Governor Ramil Hernandez na sa kabuuang active cases sa lalawigan, 26 ay kaso ng mas nakakahawang Delta variant.

Isa ito sa dahilan kaya isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsya hanggang sa August 15.


Aniya, bagama’t pinaigting na nila ang kampanya sa pagbabakuna, problema naman ang kakaunting supply ng COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, nasa 10% pa lamang ng target population sa Laguna ang natuturukan.

Samantala, habang hinihintay ang pondo para sa ayuda ng mga residenteng apektado ng ECQ, namamahagi na muna ang provincial government ng relief goods.

Facebook Comments