Active COVID-19 cases sa lungsod ng Makati, mahigit 1,100 na

31

Nadagdagan naman ng 22 ang active COVID-19 cases sa lungsod ng Makati, dahilan para umakyat sa 1,122 ang kabuuang bilang nito ngayong umaga.

Tumaas din ngayong umaga ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod na umabot na sa 3,085 matapos makapagtala ng 94 na bagong recoveries kagabi.

Mayroon ding limang pasyente na infected ng virus ang nasawi nitong huling 24 oras, kaya naman tumaas din ang bilang nito na nasa 174 na.

Sa ngayon, ang lungsod ng Makati ay mayroon ng 4,381 na mga indibidwal ang nagkasakit na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments