Active COVID-19 cases sa Quezon City, lagpas na sa 900 ang bilang

Inihayag ngayon ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit na sa pagitan lang ng dalawang araw, nadagdagan pa ng 47 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Quezon City.

Base sa huling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang kahapon December 15, pumalo na sa 939 ang active cases sa lungsod mula sa 26,496 total number ng validated cases.

Paliwanag ng QC-LGU, nadagdagan din ang bilang ng mga namatay na abot na sa 744, nasa 24,813 naman ang mga nakarekober sa sakit.


Patuloy na tumataas ang bilang kumpara sa datos noong December 13 na 892 ang active cases, 24,715 ang recoveries at 742 ang mga namatay.

Bago muling tumaas ang kaso ng Coronavirus sa lungsod naibaba pa ito hanggang 507 noong November 26 habang 714 ang mga pumanaw.

Facebook Comments