Active COVID cases ng PNP, umabot na lamang sa 643

39

Sa kabila ng patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na nagpopositibo sa COVID-19, umaabot na lang sa 643 ang active cases sa hanay ng pulisya.

Batay pa sa ulat PNP Health Service, naitala kahapon ang panibagong 74 na PNP personnel ang nadagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19 kay may kabuuang 6,904 ang COVID cases sa PNP.


Good news dahil mas mataas ang bilang ng mga bagong gumaling sa COVID kahapon na umaabot sa 77 kaya umakyat na sa kabuaang 6,240 ang recoveries sa PNP.

Nananatili sa 21 ang bilang ng mga namatay na pulis dahil sa COVID-19.

Facebook Comments