Dalawang lalaking kabilang sa Pasay City drug watchlist, huli sa traffic violations sa Pasig City

46

Naaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang dalawang lalaki matapos na lumabag sa batas trapiko sa Brgy. San Miguel sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang mga ito na sina Marciano Abines 35-anyos at Cecille Cudal 36-anyos.


Sa ulat ng Pasig City PNP, nagsasagawa sila ng mobile patrol nang makita ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na parehong walang suot na helmet.

Agad nila itong pinara pero sa halip na huminto ay pinaharurot ang motorsiklo.

Dahil dito, hinabol sila ng mga pulis at naabutan, nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu na aabot sa mahigit 5 gramo at may Dangeorus Drugs Board Value na P37,400.

Sa pag-iimbestiga, natukoy ng PNP Pasig na ang dalawa ay kabilang sa drug watchlist ng lungsod.




Facebook Comments