Active COVID cases sa OFWs sa Singapore, 22 na lang

33

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Singapore na 22 na lamang na Pilipino doon ang may aktibong kaso ng COVID-19.

Ito ay mula sa kabuuang 612 na mga Pinoy doon na tinamaan ng virus.


Ang 22 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Singapore na may active cases ay nagpapagaling ngayon sa ospital at sa community isolation facilities.

Ang mga Pinoy naman na gumaling na ay umaabot na sa 590.

Ang kabuuang aktibong COVID cases ngayon sa Singapore ay nasa mahigit 500.

Facebook Comments